Lumipas ang mga araw na lagi kaming magkasama. Sabay kami pumapasok sa school, mag recess, mag lunch pati pag uwi sabay parin kami. Hindi ko nga lubos maiisip na makakatagpo ako ng kaibigang tulad nya. Pag Sabado naman ay lagi siyang nasa bahay kung kayat napalapit na rin ito sa pamilya ko. Pag Sunday sumasama ako sa kanila ng kanyang lola Melia na magsimba.
Sa mga nagdaang buwan ay mas lalo ko siyang nakilala. Napag alaman ko na hindi pala ito makatulog na walang kulambo sa kanyang paa. Weird diba? Noong una ay naiirita ako sa ganoong habit nya, minsan ay sinubukan kong itago ang kanyang kulambo sapagkat gusto ko sana itong matulog ng normal. Ngunit hindi nag work ang plano ko sapagkat magdamag itong hindi natulog, nag i-iiyak at hinahanap ang kanyang kulambo kaya ayun di nagtagal eh nilabas ko din.
Pag malungkot naman si Heski ay chocolate lang ang katapat nito. Ewan ko ba kung anong meron sa tsokolate at napapasaya sya nito. Lagi nya rin akong binibigyan ng chocolate lalo na pag malungkot ako pero hindi naman nag wowork sa akin. Lumaki akong mahilig sa sports impluwensya ng kuya at daddy ko kaya naman sinikap ko ring turaan siyang maging athletic pero bigo na naman ako. Ayun lampa kasi, kaya pag nakikipaglaro ako ng basketball kasama ng iba kong tropa ay hindi siya nakakasali, manunuod na lamang siya at mag drawdrawing ng kung ano - ano.
Naka graduate ako ng elementary na may honors, si Heski naman ay wala sapagkat late na siyang pumasok noon. Tulad ng pinangako ng kanyang ama umuwi ito ng kanyang graduation. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya nuon, malapit na malapit sila sa isat isa. Napagpasyahan din ng aming mga magulang na parehas kaming mag high school sa St. Anthony.
“Oh malungkot ka na naman” sita ko sa kanya ng makita ko siya sa harap ng gate nila nakaupo, mag isa at nagmumukmok na naman. Tumabi ako sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.
“San ka galing?” tanong nito sa akin
“Nag basketball kasama nila Jake”
“Hindi mo man lang ako sinama” matamlay nitong sagot
“Eh diba hindi ka naman mahilig sa basketball” sagot ko.
Hindi ito sumagot kaya medyo nakonsensya ako. Panandaliang nagkaroon ng katahimik sa pagitan naming dalawa.
“Kaw naman masyado mo akong na mimiss” biro ko sa kanya sabay gulo ng kanyang buhok. Ngunit wala parin itong imik
“Uy! Wag mong sabihin na nagtatampo ka?” tanong ko sa kanya
Umiling lamang ito
“Si daddy aalis na” malungkot niyang sabi
“Kelan?”
“Bukas”
“Babalik naman ulit siya diba?”
“Oo. Pagkatapos ng 3 taon ulit. Wala pa nga siyang isang buwan aalis na naman”
Hindi na ako kumibo. Tumayo ako kinuha ang aking bike at pinasakay siya rito.
“San tayo pupunta?” tanong niya
“Sa tindahan nila Mik – Mik bibili tayo ng chocolate”
“Libre mo?”
Natawa ako sa tanong niya “Oo naman”
“Tatlo?’
“Sampu pa kung gusto mo”
“Yehey! Sabi mo yan ah” sa ganoong paraan lang masaya na ulit ang mokong.
“Siya nga pala Heski baka huling sakay mo ngayon sa bike ko”
“Huh? Bakit?” Nagtataka nitong tanong
“Bigat mo na eh. Bilis na ma flat ng gulong ko” biro ko sa kanya at sabay kaming nagkatawanan.
Noong summer na iyon ay nagpatuli si Heski. Grade 4 palang ako ay tuli na ako kaya naman pag naliligo kami ng sabay ay lagi ko siyang kinakantsawan na supot nuon. Isang linggong hindi nagpakita sakin si loko sapagkat nahihiya daw itong makita ko siya na nakapalda.
“Tara turaan kitang mag bike” yaya ko sa kanya. Binilhan siya ng daddy nya ng bike bilang graduation gift pero hindi naman niya nagagamit kasi hindi nga siya marunong.
“Ayaw ko nga” kunot noong sabi nito
“At bakit? Ano kaba, hindi ka marunong mag swimming, di ka marunong mag basketball pati mag bike di mo kaya. Sayang lang tong bike mo” Sermon ko sa kanya
“Basta ayaw ko. Saka nuong huli mo akong tinuruan sinigaw sigawan mo pa ako” maktol nito.
Napakamot ako sa aking ulo. Oo nga pala nag away kami nuon dahil dito. Pano naman kasing hindi iinit ang ulo ko, 3 buwan ko na siyang tinuturuan hanggang ngayon ay hindi parin siya marunong.
“Sige na please? Promise hindi na ako magagalit” pag mamakaawa ko sa kanya at napapayag ko naman siya.
Mga 20 minutes ko na siyang tinuturuan ng bigla itong magsalita
“Red pag natuto na ba akong mag bike eh hindi mo na ako iaangkas?”
“Umh hindi na!”
Nakita kong sumimangot ang mukha nito at bumaba sa bike.
“O san ka pupunta?”
“Pagod na ako” malamig nitong sabi
Limang araw bago magpasukan ay napagpasyahan naming mag camping kasama ng mga kuya at pinsan ko. Nakahiga kami nuon sa damuhan, pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.
“Red excited ka ng pumasok sa Lunes?”
“Oo. Kaw ba?”
“Ewan ko. Siguro”
Panandaliaan ko siyang tiningnan. Nakatingin parin siya sa kalangitan.
“Wag kang mag alala kasama mo naman ako eh” kaswal kong sabi sa kanya.
“Siya nga pala Red akin nalang yung maliit mong kotse na kulay pula yung favorite mong nilalaro”
“Hindi pwede”
Napansin kong tumingin siya sa akin ngunit di ko siya nilingon.
“Kunin mo na lahat ng laruan ko wag lang yon”
“Huh?”
“Bigay sakin ni mommy yun. Huling laruan na binili ni mommy para sa akin” hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
“Alam mo Heski miss na miss ko na sya” dagdag kong sabi
“Sorry” nahihiya nyang sabi
Tiningnan ko siya at nginitian sabay gulo ng kanyang buhok.
“Ok lang yun” nakangiti kong sabi
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Dinaganan nya ako at niyakap. Mga 3 minuto din bago ko nagawang magsalita.
“Uhm Heski “
“Bakit”
“Dapat na sigurong –”
“Ano” tanong nya
“Sigurong bawas bawasan mo na ang pagkain mo ng tsokolate ang bigat – bigat mo na” natatawa kong sabi
Bumitiw ito sa pagkakayakap sabay suntok sa aking braso. Humiga ulit ito sa tabi ko.
“Red kung hindi ka tao, ano ka?”
“Ummmm siguro Eagle”
“Bakit naman” tanong nya
“Wala lang gusto kong lumipad eh, gusto kong makapunta sa kalangitan. Ikaw ba?”
“Tsokolate” seryoso nitong sagot
Napadapa ako sa aking pagkakahiga, kinamot ang aking ulo at hinawakan ang kanyang mukha at mahinang pinalopalo ang kanyang pisngi.
“Ayan ka na naman eh, matulog na nga tayo”
“Seryoso ako. Gusto ko maging tsokolate kasi nakakawala ito ng kalungkutan”
“Sus jinujustify mo na naman ang hilig mo sa chocolate eh. Tara tulog na tayo”
Hindi na siya nagsalita at tinungo na naming ang tent upang matulog.
END OF CHAPTER TWO:
Written by: Red

+ Comment + 7 Comment
ewan ko po..pero i think i like it
I need someone to talk to, cause im lost...:(
I like it, Friends with full of LOVE. =)
-Mr. RN
I like it medyo bitin pero i like it sana lang eh kasing haba ng chapter one yung chapter 3
I hope I can also share my love story here.help me do it
Need someone.
-bujumcy
bagong kwento na naman na aabangan, next na agad ganda kasi eh. =dereck=
Post a Comment